Saturday, November 17, 2007

PET PLANS: HINDI PROBLEMADO!

Ang PetPlans ay talagang hindi problemado sapagkat kasalukuyang nagpapakasasa ang pamunuan nito sa mga pera ng pinangakuang kliyente. Kawa awa ang sinapit ng mga kliyente na umaasa na may makukuha silang pension balang araw subalit sadyang nagdeklara ang Pet Plans ng pagkalugi upang mapasa kanila ang mga ibinayad ng mga tao. Sinadya nilang magpalit ng pangalan sapagkat malapit ng makatanggap ng pension ang mga naunang miyembro nito. Kaya dali dali itong nagsara at humingi ng permiso sa SEC upang makapagpalit ng pangalan, kapalit ng pagbabayad ng humigit kumulang sampong porsyento ng naibayad ng miyembro nito.Ang masaklap pa dito, nakipagsabwatan pa sila sa BPI upang doon perahin ang statement of acount ng mga miyembro. Sa halip na gawin na lamang tseke at ibigay sa mga miyembro na agad maipapalit ay pinadaan pa sa BPI upang muli silang tumubo sa kikitain ng halagang nakadeposito sa bangko. Ang mas masaklap pa nito, para bang pina pa ikot ikot pa ng bangko ang isang miyembro sa paghanap ng pera niya. maraming alibi.Kung saan saan ka ituturo hanggang sa maligaw na ang kliyente at hindi na hanapin pa ang pera niya. Kaawa awa nag mga biktima. Nakapagtago ang PETPlans sa teknikalidad ng batas...